jump to navigation

Mahalaga Magbasa August 19, 2008

Posted by nhet in READING.
3 comments

Sinasabing ang pagbasa ay mahalagang pundasyon ng edukasyon maliban sa pagsulat at pagbilang. Mula dito nalilinang ang ating abilidad sa pag-unawa ng mga nasusulat na kwento, kuro-kuro, balita, pangyayari atbp. Sa pagbasa rin umuusbong ang ating imahinasyon at natatanging idealismo. Natututunan din nating sumangayon o tumutol sa opinyon ng mga manunulat at makabuo ng sarili nating paninindigan. Masasabi kong malaki ang impluwensya ng hilig sa pagbasa sa ating likas na karunungan.

Sa aking pagsangguni sa iba’t-ibang aklat at reperensiya, nabuo ko ang sarili kong depinisyon ng pagbasa; Ito ay proseso ng pagtunghay, pag-unawa at pagkuha ng ideya, kaisipan o mensahe ng may-akda sa babasahing kanyang isinulat at upang mabigkas nang pasalita ang mga ito. Nakapaloob din sa pagbasa ang pakikipagtalastasan tulad ng pakikinig, pagsasalita, at pagsulat.

Narito ang ilan sa kahalagahan ng pagbasa:

Magkaroon ng impormasyon;

Makapag-isip nang malalim tungkol sa pansariling ideya at karanasan;

Malaman ang ideya at karanasan ng iba;

Makasiguro sa sariling paniniwala;

Makatuklas ng karunungan sa iba’t ibang larangan;

Makakuha ng mabuting aral na gabay sa buhay;

Magtamo ng kasiyahan at magamit ng makabuluhan ang oras;

Malaman ang makabagong kaalaman, halimbawa sa larangang panteknolohiya;

Mahasa ang kaisipan at;

Masuri ang imahinasyon.

Ang pagbasa ay bahagi na ng ating pangaraw-araw na pamumuhay. Bawat sulok, bawat lugar, may titik, numero at salita. Sa laki ng papel na ginagampanan nito, nararapat lang na ito ay pagtibayin at paunlarin.

 Bigyan natin ng panahon at halaga ang paglago ng ating kakayahan sa pagbasa. Sinasabing sa pagbabasa nagsisimulang makarating sa iba’t-ibang lugar, makakilala ng magiting na personalidad at makapaglalakbay sa iba’t ibang panahon. Ang pagbabasa ay hindi ordinaryong kakayahan, ito ay pangangailangan tulad ng pagkain na nagtatanggal ng uhaw at gutom sa kaisipan.

 Busugin ang kaisipan, Halina’t Magbasa, Bagong Kaalaman ay tuklasin na!

 Sa pagbabasa MALALAMAN mo ang nakaraan, MAIINTINDIHAN ang kasalukuyan, at MAKIKITA ang kinabukasan. :)

Web-based Information Retrieval Systems August 8, 2008

Posted by nhet in LIS 260 READING ASSIGNMENTS.
add a comment

Looking back many years ago, library’s information retrieval systems has evolved and improved dramatically. From the traditional type like catalog and indexes, here we are with the fast and reliable computers. This technology in the library makes the searching easy and fast.

 

Classical information retrieval is text retrieval kind of IR. These are usually the library patrons and more on recall based searching. You usually need bunch of references in a particular topic and could possibly offer one correct answer and small or limited pieces of information only.

 

However, in the Web information retrieval we are searching more using different task and with high precision. No more exhausted searching. Web-based searching is a magic to everyone. It is available anywhere and anytime and with unlimited searching. it has a great impact to everyone and has help the world of business, entertainment, academic etc.

 

Web-based information retrieval in the library contributes to fast delivery of information to the users.

 

Personally, I enjoyed searching using the web but it doesn’t necessarily mean that I will forget the books which are more reliable. I may say that web-based searching is an additional reference but we should not be dependent on it because not all information found in it is 100% reliable.

 

Looking at the overall picture, web-based searching is more challenging, easier and faster compared to the traditional one but at some aspects books and printed materials are more dependable in a research. :)